Mukhang puspusan na ang abutan ng mga ayuda mula sa mga kandidato ng parating na halalan sa May 9. Kahapon nakakuha na si hubby ng 2k at 1 kaban ng bigas. Ako naman dahil hindi pa rin nagpapalipat ng rehistro ay sa ibang araw pa nakaschedule pero pareho rin ang makukuha ko sa nakuha ni hubby. Ang sabi sa akin ni hubby noong isang araw ay straight duty sya para kahapon. 6am to 2pm hanggang 2pm to 10pm. Pero dahil tanghali palang tinawagan ako ng mga hipag ko para sabihin sa asawa ko, kapatid nila, na kuhanan ng ayuda ng baranggay nila. So si hubby naghagilap ng papalit sa kanya para dumuty at nakakuha ng reliever. Successful si hubby sa pagkuha ng ayuda. Ito ang catch. 5pm kami umuwi sumabay sakin si hubby, hiwalay kc talaga kami ng motor kahapon. Kaya pala kasi magpupunta pala sa fiestahan pagkakuha ng ayuda. Ganito pa sinabi sa akin. Sya: makapunta sa fiesta pagkayari mo jan. Ako: anong oras ka babalik? Sya: ayaw mong sumama sige ako nalang. Ako: nag aaya kaba akala ko nagpapaalam kalang hnd mo ko isasama. Sya: sige ako nalang. Pero ang totoo talaga, napilitan syang umamin na makikipamyesta sya kasi nakisabay yung bigayan ng ayuda sa schedule nya. Pero kung walang bigayan ng ayuda kahapon malalaman ko nlng na nasa fiestahan na sya pagdating ng 10pm at asang asa akong pauwi na sya pero hindi pa pala.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet