read.cash Log in
@santiagorhie

Sobrang lakas ng hangin at ulan kanina. As usual nawalan na naman ng kuryente. Sana maibalik agad ang kuryente dahil lobat n rin ako. Maghapon lang akong naghiga dahil pakiramdam ko ay nahapo ako sa pagpunta namin ni hubby sa office kahapon ng tanghali. 8kls lang naman ang layo ng bahay namin sa office na pinagtatrabahuhan ko. Hindi naman din malubak at mabako ang daan kaya hindi naman ako nahirapan. Medyo hirap lang ako sa pagsakay sa Nmax, ang taas kasi at lapad ng upuan para sa backride kaya medyo effort at naistrain ako. Nung gabi na ay hindi na ko komportable at medyo makirot na sa linya ng tahi ko. Tanghali na rin akong nagbangon kaninang umaga, 11am. Sabi nga sa google 4 to 6 weeks pa daw bago tuluyang makabalik sa regular na gawain. Nakaka 2 weeks palang ako. At normal daw talaga na mabilis mapagod kapag bagong opera. Buti maasikaso pa rin si hubby at hindi naiinis sa bawat pasuyo at utos ko.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.