read.cash Log in
@santiagorhie

Wala pa akong isang linggo na nakauwi sa bahay inip na inip na ako. Iniisip ko palang ung 2 months akong naka sick leave gustong gusto ko ng pumasok. Pakiramdam ko nga kaya ko ng bumalik sa trabaho. Office staff naman ako at paper works naman ang hawak ko kaya sigurado hindi naman ako maiistress lalo at kabisado ko na ang trabaho ko. Pero shempre hindi naman ako papayagan ng company ko dahil baka kung mapano nga naman ang opera ko. Pero kung ako lang gustong gusto ko na talagang bumalik sa trabaho. Hindi talaga ako sanay na nakapirmi lang sa bahay. Kain tulog nood cellphone lang ang ginagawa ko. Tapos may pasok na si bunsuan kaya mag isa ako maghapon. Si hubby s trabaho rin kaya nakakainip talagang mag isa. Paunti unti nakakapagsinop at linis na ko sa bahay. Yung mga hugasing plato ginagawa muna ng hipag ko. Labada nalang ang problema, pero baka next week kaya ko na. Nakawashing machine naman kaya hindi ako masyadong mababanat. Follow up check up ko pa sa Sept. 8. Sa hapon sana ako maschedule para masamahan naman ako ni hubby. Tuloy maaya na syang maggrocery. Kahapon pag uwi nya sabi, "hon tara bili tayong ulam". Nakakamiss kc ung tulad ng dati pagkagaling namin sa trabaho bibili kami ng ulam para sa hapunan. Pero shempre kahapon hindi nya ko isinama kahit gusto ko na. Baka daw kc matagtag ang opera ko. Kahit feeling ko talaga kaya ko na. At hindi naman matagtag sa Nmax, d tulad sa Mio. Inaanticipate ko na, na babalik ako sa work October 26. Saktong 2 months ako non dahil August 26 ako nagsimulang umabsent.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.