read.cash Log in
@santiagorhie

Nag undertime ako sa trabaho ko kahapon ng hapon para sumama sa mga byenan ko na mkibirthday sa pinsan ni tatay na 75 years old na. Bongga ang handaan ang daming putahe, cake at meron pang lechon. Natawa rin ako sa byenan kong lalaki dahil hindi kami pinasakay ni bunsuan kay hubby. Gusto nya daw na sya ang sakay ni hubby at baba sa Nmax, lol! Okay lang naman sa akin, natawa lang ako. Si hubby kamot ulo naman. Si bunsuan sinakay namin sa hipag kong may tricycle. Ako naman sakay ko ung Mio at angkas ko ang isa ko pang hipag. Yung handaan na pinuntahan namin kahapon ang inspirasyon ng mga hipag ko para ipush ang palechon sa 70th birthday ng byenan kong lalaki. Pero kung ako ang tatanungin at magdedesisyon hindi lechon ang sorpresa ko sa byenan ko kundi brand new tv. Ung tv kc na gamit nila ngayon ay yung picture tube at ang screen kulay royal blue nalang. Hindi na halos makilala ang mga artista. Nabanggit ko na rin sa kanila mas praktikal sabi ko kung tv kesa lechon. Same price pero ang lechon ang mga bisita lang ang makikinabang pero iung tv para talaga sa may birthday at hindi lang sa mismong birthday makikita kungdi araw araw. Pero mas gusto talaga nila ng lechon dahil nga birthday yon at 70th pa. Mas sosyal daw ang may lechon sa handaan. Di bale sana kung kompleto na sila sa gamit at hindi kinakapos. Kaso sa hirap ng buhay ngayon mas mainam sana piliin ung mas praktikal. Isa pa ayaw nila ng bagong tv pero pg may ganoong okasyon tv naman nmin ang hinihiram kompleto pati tv stand at speaker. Ay nako. Ang pilipino talaga ewan ang mindset kung minsan.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.