Kahapon may dumaang naglalako ng meryenda. Isa sa mga hinihiyaw nya ay ginataang bilobilo at inangit. Sabi ko kay hubby gusto ko non. Pero alam nyo bang hindi ako binilhan kahapon ni hubby! Nasa 10pesos lang kasi yon at sa maliit na supot lang nakatakal. Instead na bilhan nya ako non kahapon, nagbrowse sya sa facebook at sakto may paorder ang kaklase nya noong highschool. Doon nya ako inorder kahapon. Isang tub ng bilobilo at isang slice ng inangit for 50pesos. Un nga lang pang ngayon pang meryenda kaya nawala na ung cravings ko kahapon. Sorry hubby! Pero thank you sa linya mong, "hindi ka pang sampung piso, walang lasa yon". Lol! Naalala ko kada uuwi ka noong nasa main branch kapa lagi ka may pasalubong na tub ng bilobilo, espasol, kalamay latik, o kaya pansit, spaghetti, o kya ulam. Favorite ko ung sandwich na my spread ng mayonnaise, cheese na kakaiba ang lasa, tpos meron lettuce at mansanas. Sarap non halatang special pa. Tapos may isang beses pang inaway ko si hubby kc inuwian ako ng tub ng pang keto meal. May cookies na may kasoy nut toppings, ilang itlog ng pugo, at ilang almond nuts. Sabi ko baka bigay ng "other woman" nya sa kanya! Pero alam ko naman na wala dahil sobrang galing naman nyang lalaki kung may iba pa sya kahit bahay-trabaho lang sya, at ung laman ng atm nya e buo kong nakukuha, db. Sobrang galing nya na non magbudget ng oras at pera nya kung nakakasalisi pa sya. Anyway ung keto meal ay paorder lang daw at sinubukan nya lang daw kung magugustuhan ko at healthy daw iyon.
No comments yet