Sobrang nakakapagod itong araw na ito para sa akin. Sobrang init pa kanina kaya siguro sobra sobra ung pagod na nararamdaman ko ngayon. Buti nalang at holiday bukas, walang pasok kaya makakapahinga ako. Salamat ng marami sa ating mga Muslim friends para sa araw ng pahinga natin bukas at bayad pa tayo. Well gusto ko lang ikwento ung pinanggalingan ko kanina ay bigayan ng ayuda. 2k at 1 kaban ng bigas. Sobrang importante rin na ako mismo ung pupunta at kukuha. Hindi kc pwede ang pasabay o pakikuha. Obligadong ako mismo. Kumpara sa kabilang kampo na pwedeng ipakuha kaya naikuha ako ng nanay ko. 2k rin galing don sa kabila. Hindi pa rin ako desidido talaga kung sino sa dalawang kampo ang susuportahan ko. Pero sa kanilang dalawa kasi mas matimbang sa akin ung laging nagpapakita sa nasasakupan nya. Yung laging may paayuda sa mga oras ng pangangailangan lalo ngayong pandemic. Yung laging nakikita na nakikipag usap at nakikihalubilo sa kapwa nya. Yung nakikita at napapakinabangan yung mga proyekto nya. Hindi yung puro sira lang ng mga maayos na kalsada. Hindi ung puro parenovate ng mga eskwelahan. Hindi ung matatapos nalang ung termino na imbis nabawasan ang utang ng nasasakupan lalo pa atang nadagdagan. Mulat naman ang mata ko sa dumi ng politika at bakit kasama na kada eleksyon ang ayudang kabilaan. Basta ako mulat rin ang mata ko kung sino ang tunay na may malasakit at plano para sa bayan. Hindi lang basta para sa sarili...
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Cge kaibigan phinga kn