read.cash Log in
@santiagorhie

Umaandar na naman ang pagkakuripot ko! Paano naman kasi, sinabi sa akin ni hubby kagabi na tnxt daw sya kahapon ng kapatid nya. Tinatanong ko kung ano ang sabi? Ang sabi nya basahin ko nalang daw at ako nalang daw ang magreply. So ito ang sabi ng hipag ko, "kapatid 3months and 20days nalang 70th bday na ni tatay ipaglechon naman natin ha matagal pa naman magtabi na tayo ng paunti unti". So pagkabasa ko non nawala ako sa mood. May plano kasi kaming bilhin ni hubby kaso hindi pa namin nabubuo ang perang pambili ay mukhang may ibabawas pa. Bakit kasi kailangang mag obliga ng ibang tao. Okay lang sana kung manghingi ng share pero ung itotoka mo mismo ung panglechon ay grabe! Hindi naman basta basta lang ang lechon. At dahil naloka nga ako sa chat nya ay nag inquire agad ako ng presyo. Sa kakilala ko ito ang presyuhan ng lechon... 30kls 10k 35kls 11k 40kls 12k 45kls 13k 50kls 14k Isinend ko ito sa hipag ko at ayun nga okay na daw ang 50kls. Aba! Ung 30kls nga na 10k ay mabigat na noh! Ng isend ko nga yan kay hubby sabi nya hindi daw ba pwede na lechon de leche nalang?! Ay nakakaloka lang talaga!

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.