read.cash Log in
@santiagorhie

Sobrang habang hinanakit. Sa pagitan namin ng nanay ko. Gusto ko lang ibahagi ito sa lahat. Hindi rin kasi ako sigurado sa nararamdaman ko. Nung gabi ng August 26 nagpadala nako ky hubby sa ospital kasi sobrang hindi ko na talaga matiis ung sakit ng kanan tagiliran ko. Umaakyat na rin sa kanan dibdib ko ang masakit. Dalawang beses nakong uminom ng mefenamic pero hindi parin nawawala ang sakit at ang lagnat ko. Pakiramdam ko hindi talaga ko hihintuan ng sakit hanggat hindi ako natitignan ng espesyalista kaya takbo na kami sa ospital. Hindi ako sinamahan ng nanay ko. Mga in laws ko ang ginising ng asawa ko. Almost 12 midnight na kasi noon. Tricycle ng asawa ng bunsong kapatid ni hubby ang naghatid sa akin sa ospital sakay silang mag asawa at isa pang ate ni hubby. Naka single na motor si hubby kasunod namin. Hinintay ako ng mga hipag ko hanggang sa matapos ang antigen test, lab tests at hanggang sa maadmit na nga ako. Checkup lng sana talaga pero di na ako pinauwi ng observation doctor. Hinainan rin ako ng mga pwedeng options ng sakit ko. Sever UTI na ang treatment ay meds at admission hanggang sa magamot ako; ectopic pregnancy na cs worth 25-30k; appendicitis na operation worth 30-35k, or gallbladder with gallstones operation worth 40-60k. Nung sinabi un ng doktor, parang nawala ung sakit na nararamdaman ko. Napalitan ng takot sa gagastusin ko. Grabe kaka 1 month palang ng Nmax ni hubby noon. As of today mag 2 months palang sya. Nagpanic ako saan namin kukunin ung ganoong halaga. Sure ako na hindi ectopic pregnancy, sabi ko sana simpleng UTI nalang. Pero sa lab results sobrang taas ng infection sa dugo ko at sabi ng doktor my mali na sa organs ko at yun ang kailangang hanapin sa mga susunod pang tests. Naipasok ako sa surgery ward 2am ng August 27. Noon palang umuwi ang mga hipag ko pero bumalik pa sila para dalhan kami ng mga gamit, damit, inumin, unan at kumot. Sobrang pasalamat ko sa mga hipag ko na hanggang sa makauwi ako todo asikaso sila. Pati mga hugasing plato at labahin namin kargo na nila at inaabutan ni hubby ng pampalubag loob na pera pero tinatanggihan kaya sa anak nalang nila namin ibinigay para sa bata nalang sabi namin kya hindi rin nakatanggi. Kaedad ni bunsuan ung bata, si Ate Chloe. Umaga ng August 27 around 9am nabisita ako ng magiging surgeon ko at ipapaultrasound nga dw ako at kung sakaling hindi makita sa uptrasound ang problema my ibang tests pang gagawin. Whole abdomen ang ipapaultrasound sakin pero duda na daw sya n bato nga ito sa apdo. At naconfirm naman nga sa ultrasound. Pinapili ako sa open surgery o laparoscopy. Ung open 40-50k depende pa sa kaso. Ung laparoscopy 60-70k at minsan nauuwi rin sa kailangang open surgery sa sobrang complicated ng gallbladder. Less philhealth na ang presyon ito ha! Open surgery ang pinili ko dahil sabi na rin ng surgeon ko mukhang complicated na ang apdo ko dahil ayaw mawala ang lagnat ko. Baka daw malapit ng magrupture. Eto na nga ang issue na gusto kong iopen. Kung gaano kathoughtful at kaalaga ang mga in laws ko kabaligtaran ang nanay ko. Grabe. Hiyang hiya ako sa asawa ko nung tanghali ng August 27 dumalaw ang nanay ko pero hindi para kamustahin ako o pano ang magiging sitwasyon naming mag asawa sa pagpapagamot sa akin. Ang salita nya, pano daw kaya ako makakapag abot sa kaniya. Un mga tumutulo daw sa bahay nya hindi nya pa naipapagawa tag ulan na. Pano ung bayarin nya sa kuryente at tubig habang wala akong trabaho. Take note! May pension sya at may ipon sya around 30-50k galing sa mga natanggap nya sa sss ni dade nung namatay ito. Nung umaga ng August 27 tumawag ako sa kanya para humiram sna ng 20k pang bawas sa babayaran namin. Utang ito ha na ibabalik rin namin sa kanya. Pero ang dinala nya lang ay 6k at mula nung dumating sya hanggang sa paalis na sya puro hinaing ng nanay ko sa buhay nya ang narinig naming mag asawa. Pag alis ng nanay ko humingi talaga ako ng pasensya sa asawa ko kasi grabe, namomroblema na kaming mag asawa sa babayaran ay problema pa rin nya ang ihahain nya sa amin. Dumalaw sa ospital ang nanay ko hindi para kamustahin kaming mag asawa. Ang sagot lang ng asawa ko, oo nga. Nakaschedule na akong operahan ng August 28 ng umaga, 10am. Dumating ulit ang mga in laws ko para kapalit ni hubby sa pagbantay sa akin. Uuwi sya habang nasa operating room ako. Ibebenta nya na ung kauna unahan naming motor na bajaj, 15k. At nakahiram sya sa boss nya ng 30k at pumayag na December pa namin babayaran ng 13th month at bonus namin. Mabait si Lord hindi kami pinahirapan maghagilap ng pera. Shempre hindi rin ako natiis ni hubby. Nag aalala rin talaga sya dahil bumalik sya ng 930am saktong ipapasok na ko sa waiting room para sa operation. Hinintay nya ko hanggang sa matapos ang operation. At hindi ko sya napatulog ng August 28 ng gabi hanggang madaling araw, binantayan nya ko. Nakauwi kami ng August 30 ng hapon. Pagtapos sabihin ng surgeon na pwede na kong umuwi. Bayad ni hubby lahat ng bill namin sa ospital worth 47k. Nabilhan nya rin ako ng lahat ng resetang gamot at panglinis sa sugat ko. Pati mga requests kong pagkain binili ni hubby. Nakakagalaw galaw at lakad lakad na rin ako non. August 31 pumasyal kami sa nanay ko baka kasi nag aalala sya para makita nyang okay ang operasyon ko. Pero grabe talaga! Nag away lang kami, as usual ayon nagagalit sya dahil wala akong maiaabot sa kanya at sana daw pala hindi nya na ibinigay ung 6k sa akin, pang gastos na sana nya iyon. Naligo lang ako sa bahay nya at pagkabihis ko binulungan ko si hubby na uwi na kami kasi stress lang ang aabutin ko.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.