Nips stackable! Iniyakan ito ni bunsuan kaninang umaga. Dahil purple ito at nakita nya sa Ate Chloe nya na kasabay nyang pumasok sa school at umuwi araw araw. Akala namin at hindi sya papasok dahil sa mood nya at sobra talaga ang iyak nya dahil jan. Buti at mabait si Ate Chloe at ang mama nya. Kinausap si Ate Chloe ng mama nya na ibigay nlng kay bunsuan ito para makapasok na at bibilhan nalang sya ng panibago ng mama nya. Umiyak din si Ate Chloe dahil shempre maaagaaan sya ng laruan at pagkain. Pero hanga ako sa kanya dahil sa edad nyang 6 years old mapagapaubaya na sya. Lagi syang nagpapaubaya kay bunsuan sa mga laruan o mga pagkain lagi syang inaagawan ni bunsuan mula nung maliit pa sila. Si bunsuan kasi may pagkasiga mula baby sya. At dahil siguro mas mataas si bunsuan kesa sa Ate Chloe nya akala nya siguro mas matanda sya. Dahil naawa rin naman ako ky Ate Chloe ay binigyan ko ng pambili ang mama nya. Parang binili ko na rin itong nips ni Ate Chloe. Pero dahil 3 silang magpipinsan na sabay sabay pumasok at umuwi. 3 nips stackable ang ipinabili ko tig iisa silang 3.
No comments yet