Sakto patapos nako magsampay ng mga labada kanina nung dumating si hubby. Naligo lang kami ni bunsuan saglit tapos ay iginala na kami ni hubby. Unang pinuntahan namin ay bilihan ng mga damit at tela. Binilhan namin si bunsuan ng 2 school blouse at 1 palda. Ilang linggo nlng kasi at tapos na si bunsuan sa kindergarten. Bumili din si hubby ng isang security guard pants nya pamalit sa luma. Akala ko ay uuwi na agad kami. Pero dumaan pa si hubby sa bilihan ng meryenda sa likod ng palengke sa amin. Masarap ang mga luto doon at laging maraming bumibili. Masarap din ang timpla ng kanilang buko, may halong evap milk. Nagmeryenda kami ng kwek kwek, kalamares at buko. Pagkatapos naming magmeryenda ay huminto kami dito sa plaza. Darating si VP Leni bukas kaya't busy ang karamihan. Nagkakabit ng mga tarpaulin, speakers, gumagawa ng stage, at namimigy ng mga pamaymay na may mukha nila VP Leni at Sen. Kiko.
No comments yet