read.cash Log in
@santiagorhie

Napagod na ko sa lahat. Napagod na ko sa mga nakikita ko sa paligid ko. Yung hinihiniling ko nalang din na sana mawala nalang ako isang araw pero hindi ko rin naman kayang gawin sa sarili ko. Yung kinukuwestiyon ko na rin ung halaga ko. Kung meron pa ba? Gusto ko ring maranasan na magbakasyon mag isa. Yung wala akong ibang iisipin o iintindihin. Ewan pero ganito ako kapag nagdadoubt ako sa atensyon sa akin ng asawa ko. Hindi ko kayang harapin at asikasuhin pati ung mga bata kapag ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang maging ina kung hindi ako masaya bilang asawa. Hindi ko kayang ibigay sa kanila ng buo ung sarili ko kung wala akong bilang sa asawa ko.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.