read.cash Log in
@santiagorhie

Lechon baboy o brand new tv. Kung birthday mo na bukas, ano ang gusto mong matanggap na regalo sa dalawa, lechong baboy o devant 43 inches tv? Kunwari wala ka pang tv ha o kaya ung tv mo ay picture tube palang at parang nang may ulan ulan habang nanonood ka. Kahapon pa ako nagrarant tungkol sa lechon na yan! Kanina naman ay nagchat ako sa hipag ko, see 3rd photo, na pursigido talagang isecure ang lechon sa handaan. Ang siste ay gusto nyan igaya ang 70th bday ng father in law ko sa mga kamag anak nilang may mga kaya naman talagang hamak. Yung mga kamag anak nilang kompleto na ng gamit sa bahay hanggang sa tv, ref, aircon at wifi. Samantalang ung bahay ng mga in laws ko kada uulan ng malakas hanggang sa loob ng bahay may ulan rin sa dami ng tulo sa mga butas ng bubong. Ayoko talaga ng ganitong mindset ng mga pinoy. Ang toxic! Nakikipagmayabangan sa kapwa. Pag may nakitang bongga o sosyal gusto sila rin kahit hindi naman akma sa pamumuhay nila. Yung bang sukdulang ipangutang o ipaobliga sa kamag anak ang mga gagastusin mairaos lang ung gusto nila. Kaya kung ako ang pipili lechon o tv? Don ako sa tv. Ung lechon mga bisita lang makikinabang jan hindi naman ung mismong may birthday. Pero ung tv hindi lang sa birthday nya makikita yan. Araw araw nyang makikita mahahawakan at magagamit. Sino ba kasi ang gustong pasayahin, ung may birthday o ung mga bisita? Ang birthday para sa celebrant yan ang mga bisita spectators lang sila at makikicelebrate.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.