read.cash Log in
@santiagorhie

At ayun nga. Hindi na naiwasan ang kinatatakutan. Dahil hindi nawawala ang sakit ng tagiliran ko at ang pagkakaroon ng lagnat na may kasamang pagchichills, pinacheck up na ko ni hubby. Naactivate na naman nga ang u.t.i. ko. Pati cbc at apc pinakuha na rin para sigurado at normal naman daw sa dugo ko. Sa ihi ko naman ang mataas ay ung wbc. Niresetahan ako ng antibiotic for 7 days at mefenanic na iinumin ko lang pag makirot ang tagiliran ko .Nung pag uwi namin ni hubby kumain lang kami ng tanghalian at uminom na agad ako ng dalawang gamot dahil makirot na talaga ang tagiliran ko. Nitong hapon wala na ang sakit sa tagiliran ko pero nilagnat na nagchchills naman ako. Pinahiran ako ni hubby ng bimpong binanlawan sa nagyeyelong tubig. Ngayon okay na ko ulit. Hindi pa rin ako makakain ng marami dahil mapakla ang panlasa ko at nakakatrauma rin. Kada tingin ko sa pagkain mantika o alat ang nakikita ko. Mga bawal sa may u.t.i. Parang gusto ko nalang mag ice cream at tinapay.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.