read.cash Log in
@santiagorhie

Magandang umaga sa lahat! Sobrang kaba namin ni hubby kagabi. Gustong gusto na nya akong dalhin sa ospital pero ako naman ayoko. Buong maghapon na kasi na sumasakit ang kanang tagiliran ko kahapong maghapon. Mula umaga at hanggang pagabi ay mas lalong kumikirot. Pero kada tatanungin ako ni hubby na tarann daw kami ay umiiling naman ako at ngumingiti ako. Ang sabi ko kasi baka pag naitulog ko na ay mawala naman na. Isa pa maaabala pa si hubby may pasok pa sya ng 10pm. Marami pa naman kaming bayarin ngayon at bago pa lang ang motor namin. Sayang ang bawat araw na mawawala sa sweldo namin. Nung nakatulog na ko umalis na rin si hubby. Ibinilin nya naman ako sa mga hipag ko. Nung naiwan kong nakacharge ang cellphone ko nakaoff pala ito kaya hindi ako matawagan ni hubby kaya sa kapatid nya sya tumawag at ayun nga sinilip pa ako nagisinh ulit tuloy ako pero mukhang nabawasan naman nga ang kirot at nakatulog naman ulit ako. Ngayon okay okay na ko, mukhang wala na rin ang kirot. Kung sakali mang bumalik ang kirot at parang hindi ko na kayang tiisin baka totohanan na kong magpacheck up.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.