read.cash Log in
@santiagorhie

Follow up check up ko na bukas. Isang linggo na rin ang nakalipas mula nung naoperahan ako at inalis ang apdo ko. Sabi ni hubby tignan nya kung makapag undertime sya para masamahan nya ko. Sabi ko hindi na kailangan kaya ko na mag isa malapit lang naman yung clinic, nasa bayan lang. 2pm pa kasi ang out nya sa trabaho kaya mga 2:30pm pa sya nasa bahay. Ang clinic hours ng doktora ko 1pm to 2:30pm lang kaya kung hihintayin ko pa si hubby ay maiiwanan ako ng doktora ko. Tingin ko naman kaya ko na mag isa. Pakiramdam ko nga kya ko na magdrive mag isa. Pero shempre makakagalitan tyak ako ng doktora ko lalo ni hubby. Kabilin bilinan ni hubby wag ako magpapagod at magpapakastress. Pano pa naman ako mapapagod sa bahay kain-tulog-nood tv lang ang gawa ko araw araw. 2 months ko pa itong gagawin ay tyak hindi na kakasya sa akin ang uniform ko kapag papasok na ako. Nagwawalis walis na ako pakonti konti pero pag matagal nga namamanhid pa ung sugat ng opera ko. Naiayos ko na rin ang labada by batch ng linis at kulaym gusto ko na rin kusutin unti unti. Kanina naglaba ko ng ilang underwear namin ni hubby, ilang panyo, ilang medyas at ayun nga nahapo ako agad. Daig ko pa buntis na malapit ng manganak. Ganon pakiramdam ko pag gumalaw ako ng matagal.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.