Pano ang pagsasama nyo ng nanay mo? Inggit ako sa mga anak na kahit matanda na at may sarili ng pamilya ay malapit parin sa nanay nila. Malapit rin naman ako sa nanay ko mula nung maliit ako hanggang noong nag aaral na ako. Pero nung nagkatrabaho na ako, nag iba na ang pakikitungo sakin ng nanay ko. Minsan pakiramdam ko wallet ang tingin sa akin ng nanay ko. May mga araw pa nga na kapag naliliitan sya sa ibinibigay ko parang kasalanan ko pang yon lang ang kaya kong iabot. At kapag nawawalan ako ng trabaho, o nagkasakit ako at kailangan kong mapahinga ng matagal, nagagalit sya at sinusumbatan pa ko. Hindi ko rin naman gustong magkasakit ako dahil masarap kumita ng pera at may maiaabot ako sa nanay ko. Nakakasakit lang din itong huling naospital ako at naoperahan sa apdo, bato sa apdo, nagalit sakin ang nanay ko. Pano ko raw sya mabibigyan ngayong nahinto ako sa trabaho. Sana dw pala hindi nya na pinahiram sakin ung 6k nya. Take note 47k ang naging bill namin sa ospital hindi pa kasama ang gamot na reseta at panglinis sa sugat. Pero ang nanay ko ang sabi pa sakin, kaya nga daw sya nag anak para may tutulong daw sa kanya sa pagtanda nya. Sumakit lang talaga ang kalooban ko. Tinanong ko sya, ganon lang ba talaga tingin nya sakin? Taga hango sa hirap tagabigay ng pera? Hindi naman daw, pero bat ganon ang dating sa akin? Nag away kami nito ng nanay ko 3 days pagkatapos kong makauwi sa bahay namin at sumilip lang kami ni hubby sa kanya dahil baka sakaling nag aalala sya kung kamusta naging operasyon ko. Kung gusto mo pang malaman ung kwento namin ng nanay ko habang nsa ospital ako, basahin mo dito... https://noise.cash/post/2455zgzs62xx
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet