read.cash Log in
@santiagorhie

Pagkauwi ni hubby mula sa trabaho kaninang hapon inaya nya akong lumabas. Well, hindi naman kami nagdate. Isinama nya lang ako sa mga errands na gagawin nya kanina. Alam nya lang na inip na inip ako sa bahay at gusto ko talagang makagala kahit dito dito lang. Nasa 3rd week na ako ng aking pahinga sa bahay mula sa pagkakaopera at pagkaalis ng aking apdo. Una naming ginawa, nagbayad ng monthly amortization ng Nmax sa Nick Motorcycle branch malapit sa amin, sister company ata sila ng kinuhanan nmin ng unit na FMNIC, dahil due na bukas. Pangalawa, nagpunta sa Wheeltek Peer para iinquire kung dumating na ang plaka ng Mio i125 namin dahil noong December 2021 pa ito tapos sa hulugin pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang plaka. Pangatlo ay nagpadaan ako sa grocery store s bungad ng palengke namin para bumili ng pambaon ni bunsuan sa linggong ito - 6 na chuckie at 2 iqyogurt strawberry, sakto para sa 4 na araw na natitirang pasok sa linggong ito; 1 binggo choco, 1 neu bake pan bread, at 14pcs ng milo. Pang apat ay dumaan si hubby sa Fico Bank para kausapin ang pinsan nya na guard doon. Nagtanong sya tungkol sa pagsasangla ng motor. Yung bang sangla ang or/cr pero nasa may ari pa rin ang motor. Yung kasing kapitbahay namin na nakabili ng bajaj namin, nalaman namin na isinangla nya pala ung motor na yon sa isang lending company. Gustong malaman ni hubby kung madadamay ba ang first owner kahit hindi sya ang nagsangla pero ung ipinakitang or/cr ay sa first owner pa nakapangalan. Balak nya ring puntahan ung lending company sa susunod para magtanong at ipaalam din na wala syang kinalaman. Medyo matagal rin silang nagkakwentuhan ng pinsan nya ha, nainip akong kaunti, lol! Panglima, at huling pinuntahan namin kanina ay ang kumare at kumpare namin na nagtitinda ng lutong ulam. Kapag tinatamad kaming magluto o hindi kami makapili ng uulamin, doon kami bumibili ng ulam lalo at pagabi na. May ulam pa silang luto kanina, asobong sitaw, kalderetang manok, at pritong galunggong na may partner na sarsyadong sawsawan. Manok at galunggong ang inorder namin. At sa medyo matagal ulit makipagkwentuhan si hubby ay inabutan pa kami ng ulan.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.