read.cash Log in
@santiagorhie

Nagkakagulo na naman yung mga fans na gustong manood ng live. Kahit ako hindi ko sigurado paanong kakasimula palang ng ticket selling ay ubos na agad ung vip, patron seats, at lower box vip. Usually paunahan na rin sa lower box regular seating. Ang kadalasan nalang naiiwan sa ticketnet na pwedeng maiorder ay upper box at general admission which is pinakatuktok na ng coliseum. Wala ka nang makikila sa players. Last Sunday sa Game 5 nakapag secured kami ng lower box regular seating. Don sya sa gawing gitnang row pero sa totoo lang hindi ko na rin talaga makita ang mukha ng mga players. Pero swerte parin compared sa mga nasa upper box at general admission. Mas swerte lalo sa mga nasa standing admissions. Halos 2 hours ng game nakatayo lang sila. Honestly kami ni hubby dumaan kami sa scalpers. Less hassle sa pila at less konsumisyon sa pagpurchase sa ticketnet. Una priority nila ung mga nagbabayad thru credit cards. Pwede rin naman ung debit cards and other cards as long as mastercard or visa ung card. Ung ibang cards na walang mc or visa ay hindi accepted. Hindi rin magpupush through ung pagpurchase kung ung contact number or email address na ibinigay mo ay hindi same sa nakaregister sa card. Wala ring ibang ways to pay bukod sa card transactions na nabanggit ko. Kung hindi mo maipush itong mga transactions na sinabi ko at gusto mo talagang manood ng live wala kang ibang choice kundi pumatol sa presyo ng mga scalpers. Online pricing halimbawa ung sa amin na lower box regular, ang ticketnet price nya ay 400 plus 80 na ticket fee, so 480. Usually ang bentahan ng mga scalpers dito ay 1800 to 2000 per ticket. Grabe db ginto! Swerte at nung nasa byahe na kami papuntang Araneta ay may nagpost na ticket selling page na mukhang legit naman at nakita ko agad. Pag chat ko sa kanya nagreply naman sya agad. 800 lang ang benta nya ng lower box regular. Makatarungan na itong presyo nya kaya ito na ang grinab namin ni hubby. Sumugal kami kahit medyo kabado ako at alam din naman natin na nagkalat ang mga scam sa mga ganitong event. Buti at hindi kami nabiktima.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.