Kamusta mga kaingay! Nakapananghalian naba kayo? Ngayon palang ako manananghalian dahil kakaalis alis palang ni bunsuan papasok sa school. Wag naman sana syang mabasa sa ulan. Saktong pag alis kasi ng tricycle na sinasakyan nya maya maya bumuhos na ang malakas na ulan. Blessing in disguise din itong pagkaopera ko. Noong bago kasi ako maopera nag aalala ako dahil mahirap pumasok sa trabaho at umuwi ng malakas ang ulan. Ang hirap magdrive mag isa. Panahon na kasi ng bagyo ngayon hanggang October. Minsan nga November na maulan pa. Granted naman ni Lord na di ko kailangang pumasok at umuwi ng tag ulan. Yun nga lang bonggang gastos sa operation ko at sobrang sakit muna ang dinanas ko.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet