Hello! Hello! Mga ka noisemates! Musta na araw nyo? Ako eto napaaga ng pagsundo sa school kaya eto noise muna hehehe. Ayan na yung finished product ng digiArt ni unica hija kahit busy sa school may time pa rin para sa kanyang hobby. Natatawa ako kahapon sa kwento nya, sinita ko kasi puro drawing yung palad nya mga abstract. Sabi ko "bakit ka sa palad mo nag dradrawing may papel ka nman dala sa school dun ka na lang magdrawing", sagot nya sa kin "eh kasi mama sabi ni teacher isa daw dahilan mga artist sa pagkawala ng puno kasi dami daw nauubos na papel ng mga artist sa kakadrawing", sagot ko naman "naku mas marami ang mga teacher printing lang ng mga ituturo at ipapasa nila na report sandamakmak na eh"😄😁😆.
3 comments
HHAHAHAH kalerki nman yon. sa kamay tuloy nag drawing si bebe. pero anyway, ang cute ng digi art niya oh. gandaaaa
Hahaha kaya nga. Na guilty ba. Salamat po.
Galing ni Unica iha mo.ako kakatapos lang ng laba sis