"Bakit Kung Sino Pa?"
*Bakit kung sino pa,* *ang tunay na nagbibigay sayo ng saya,* *siya pa 'yong 'di mo makita?* *Bakit kung sino pa,* *ang laging sayo'y nagpapatahan,* *siya pa 'yong labis na sinasaktan?* *Bakit kung sino pa,* *ang itinuring kang mundo,* *siya pa 'yong itinaboy mo palayo?* *Bakit kung sino pa,* *ang sayo'y nagpapangiti,* *siya pa 'yong umiiyak sa luhi?* *Bakit kung sino pa,* *ang sayo'y nakalaan,* *siya pa 'yong iniiwasan?* *Bakit kung sino pa,* *ang dapat mahalin,* *siya pa 'yong ayaw ibigin?* *Bakit kung sino pa,* *ang totoong nagmamahal,* *siya pa 'yong nagiging hangal?* *Bakit kung sino pa,* *ang natatakot iwan ka,* *siya pa 'yong naiiwan mag-isa?* *Bakit kung sino pa,* *ang handang seryosohin ka,* *siya pa 'yong 'di mo mabigyan ng tiwala?* *Ang daming bakit,* *na laging may kaakibat na sakit.* *Ano ba talaga ang sagot?* *Upang makalaya sa pighating inabot.* *Sana naman masagot na,* *Para malaman kung aayaw na talaga.* *Baka mamaya, umulit pa.* *Pipiliin na naman ang magpakatanga.* *Kahit sobrang nahihirapan na.* **ALL RIGHTS RESERVED © 2021 by rynleigh**
No comments yet