Nakarating na kaming Tagaytay nakakatapos lang kumain nagutom sa byahe. Dapat bukas na kami punta dito kasi hindi kami masundo ng mga biyenan ko dahil may delivery daw sila. Ayaw pumayag ng dalawang girls dahil ngayon nga daw ang punta namin excited na sila masyado hindi na mahintay ang bukas kaya nagcommute nalang. Umalis kaming alas onse nakarating kami ng mahigit ala una ang tagal kasi ng dyip. Ayaw talaga pumayag ni bunso na magbus kami kasi mahilo daw siya at masuka yun pala sa dyip ganun rin nahilo parin siya mabuti nalang ang ate pakanta-kanta lang :) Kaya sabi ko dapat nagbus nalang kami kasi ganun din nahilo naman siya mabilis pa sana biyahe namin :) Nakuhaan ko ng litrato ang Bulkan Taal kahit mabilis yung tricycle nadadaanan kasi namin papunta dito sa furniture shop ng Lolo at Lola. Mabait ang Bulkan ngayon hindi umuusok. Ang akala ko maabutan kami ng ulan makulimlim kasi kanina pero ngayon maaraw na maalinsangan rin ang panahon dito. #SafeTravel #ThankYouLord
6 comments
Nakaalis na pala kayo, ka-noise! Halos two hours lang pala ang biyahe, ano? Ang saya- says ng mga bata!
Sa dasmarinas lang bahay namin kanoise kaya medyo malapit lang kami dito sa tagaytay :) tuwang-tuwa nga mga makukulit nakagala na naman :)
Masaya naman kasi talaga ang ganiyan ka-noise! Ganiyan din ang mga anak ko noong ganiyan ang edad, tuwang-tuwa kapag uuwi kami sa Bataan.
Ehehe ang cute ng mga dalaginding mo friend...bastat pag cnb ganito araw aalis, dapat dun aalis...na miss nila mga lolo at lila plus gala na naman sila
Kaya nga sis...kaya mahirap mangako tinatandaan ang sinasabi mo :)
Enjoy gala friend. Mgandang hapon