read.cash Log in
@ruby0622

Night Swimming Sobrang saya ng mga girls ko nagmamadali ng kumain ng dinner para makapagswimming na kaagad. Pagdating sa room humiga kaagad sa higaan tuwang-tuwa lang :) Pagkatapos nagbihis kaagad ng pangligo para swimming na daw nila. Papunta pa lang kami dito sa resort panay reklamo gutom na daw sila. Tapos nakita lang swimming pool gusto na kaagad maligo nawala na ang gutom haha. Ang akala ko talaga bukas pa ang overnight swimming ngayon na pala, hindi kami nagkakaintindihan ng biyenan ko hehe. Kaya kanina nagmamadali na kami ng mga bata dahil nagcommute lang umalis kami sa bahay ng alas tres nakarating kami dito sa Tagaytay ng alas singko. Mabilis lang sana kung bus sinakyan namin ayaw lang talaga ng mga bata mahihilo daw sila kaya no choice kundi magdyip kami, mabuti nalang hindi nahilo minsan kasi kahit dyip nahihilo parin sila. #ManHan'sGarden #TagaytayCity

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.