Bunso Writing Notebooks Pinagtiyagan ko talagang tahiin ang mga notebook ni bunso, siyam na writing notebook ang kailangan nila ngayong school year. Kapag ganitong notebook kasi mabilis masira dahil nakastapler lang. Kaya para umabot ng isang tao at hindi masira tinahi ko na ginawan nalang ng paraan para mabutasan ko at matahi. Ang carelss pa naman nitong bunso ko sa mga gamit niya, kaya para masigurado na umabot ng isang taon tinahi ko na at si mister naman ang nagcover ng plastic :) May color coding din ang notebooks ni bunso kaya nilagyan ko nalang ng cover na colored paper yung tatlong notebook walang mabili si mister na color red, green at orange. Tinahi ko muna bago lagyan ng colored paper na cover sinukat ko na rin kung saan nakalagay ang pangalan niya, subject, grade/section at pangalan ng guro para hindi matakpan pagbalot mabuti nalang sumakto hehe. Sa eldest ko spiral notebook ang gamit nila kaya bumili na si mister ng isang bundle, sampung piraso na nakatahi mas matibay kasi ang ganun walang color coding sa panganay ko kasi Grade 4 na daw sila kaya hindi mahirap bumili :) Nilagyan ko na rin ng pangalan ng subject ang bawat kwaderno para mabilis pagkuha sa bag o mabilis mahanap. Nagbago schedule ni bunso ng pasok dati every other Friday lang pasok nila, umpisa this week every Wednesday and Thursday na mabuti nalang parehas silang Set B ng ate niya at parehas sila ng oras ng pasok. Kaya isang hatid at sundo lang ako sa kanilang dalawa hindi masyadong magastos sa pamasahe :)
2 comments
Grabe ang effort ni mommy at daddy.. galing! good job
Oo nga sis kailangan mag effort kasi hindi aabot ng isang taon kapag hindi yinahi qt walang plastic cover hehe