Simpleng ulam Katatapos lang namin kumain pinagpawisan ako kakahigop ng sabaw nitong laswa, sobrang init din kasi ng panahon kaya tulo pawis talaga kahit kaliligo ko lang :) Medyo matagal ng hindi ako nakaluto nitong laswa kaya kaninang alas onse pagkatapos ng Bible class ng mga girls ko bumili kaming gulay. Gusto rin ng mga anak ko itong Laswa itong asawa ko lang talaga ang maarte hindi daw talaga niya Kaya kumain nito hehe. Dahil night shift work ni mister kaming mag-iina lang kakain kaya ito din naisipan kong lutuin hanggang gabi na namin itong ulam, bibili nalang si mister ng ulam niya mamayang gabi. Mas masarap din talaga kapag may tanglad ang bango lang bihira lang magamit itong tanglad ko na tanim kaya ang lago na. Ang ulam namin ngayon ay halagang singkwenta pesos busog lusog kana masustansya pa. Mas gusto rin ng mga anak ko ang mga gulay na dahon. Itong niluto kong Laswa pinaghalong kalabasa, patola, talbos, saluyot at malunggay nilagyan ko rin ng dried shrimp na maliliit. Nilalagyan kong kalabasa at kailangan lata pagkaluto kasi dinudurog ng dalawang anak ko para magkulay dilaw yung sabaw :) Happy lunch Noise fam! Sobrang init ng panahon ngayon perfect sa mga naglalaba. Happy and Blessed day and stay safe ang lahat.
4 comments
grabee ang sarap sissy ganyan gusto nang bunso ko puro sabaw gusto non sinanay ko kasi sa gulay buti nalang talga kumakain siya hehe yong asawa mo kasi sis parang di sanay sa ganyang pagkain ganun daw yun ei ayaw pag di nakasanayan
Mabuti nalang mga anak natin sissy kumakain ng ganito ganyan din mga anak ko sissy kaya medyo maraming sabaw talaga nilalagay ko mahilig sila sa sabaw. Kaya nga sis sagana kasi sa buhay ito si mister noon opposite sa akin sanay sa hirap ng buhay hehe kaya sinanay ko mga anak ko kumain ng mga pagkain ko noon hehe
Napakasustansiya nga niyan, ka-noise! Iyan ang ulam na di nakakaumay. Gandang gabi!
Totoo kanoise masarap at healthy na nakakatipid pa sa badyet hehe. Mapagpalang gabi!