Blessed and Fun Sunday! Pagkatapos ng church service kaninang umaga 11:30am nagpahinga lang saglit. At umalis rin ng 1:30pm dahil may women's fellowship ng alas dos. Medyo malayo pa ang church na pupuntahan namin kung saan gaganapin ang fellowship ng mga kababaihan. Ang kasamahan namin sa church naimbitahan ng kapatid niya sa church nila na magbigay ng mensahe ni Lord sa fellowship kaya sinamahan namin siya para suportahan. Ang saya ng fellowship kanina pagkatapos ng word of God ay may palaro at kainan :) Sobrang nag enjoy kami sa games ang saya lang bumabalik kami pagkabata haha. Bukas pasok na uli mga estudyante natin kaya back to reality sa daily routine nating mga mommies at ang mga papasok sa trabaho. Isang mapagpalang Linggo Noise fam!
No comments yet