Nilagang Pork Ribs Malapit ng maluto ang ulam namin sa pananghalian. Para maiba naman hindi palaging sinigang, nilagang buto-buto naman ngayon. Kanina pa itong alas nuwebe ko pinakuluan maagang dumaan ang mobile palengke dito sa furniture shop ng mga biyenan ko. Kaya maaga rin nag umpisa magluto sobrang lambot na nitong nila ko dalawang oras na mahigit napakuluan. Ang biyenan ko kasing babae hindi na nakakain ng matigas kaya dapat malambot pati mga gulay dapat kailangan malambot din masarap pa naman ang half cook lang :) Ngayong araw sana kami uuwing bahay kasi baka mag alanganin kung bukas pa dahil may pasok mga anak ko ng alas diyes kaya lang busy pa mga biyenan ko dito sa shop nila at nangako pa dito sa mga apo na ipapasyal daw mamaya, kahapon pa kasi dapat mamasyal kaso paulan-ulan kaya hindi nakaalis, ngayon magnada ang panahon maaraw na tuloy na siguro ang pasyal mamaya hehe. Maaga nalang daw kami aalis bukas dapat wala pang alas siyete nakaalis na kami, hindi ko pa naman naplantsa uniform ng dalawang anak ko, kaya mamalantsa pa pagdating. Nakaluto naba ang lahat? Happy lunch Noise fam! Have a great and blessed day and stay safe.
No comments yet