Miracle Fruit Nung Sunday pumunta kaming mag-iina sa bahay ng kapatid ko dahil pinagsabay nila ang selebrasyon sa kanilang kaarawan parehas kasi silang mag-asawa September ang birthday at selebrasyon din ng kanilang first wedding anniversary. Ang tuwa ko talaga ng makita ko ang puno nitong miracle fruit at ang daming bunga ang lalaki pa nila. First time ko talagang makakita ng prutas nato kasing laki ng buko ang bunga niya nakakatuwa lang tingnan. Sa kapitbahay pala ito ng kapatid ko pauwi na kasi kami nun at naghihintay ako sa labas ng bahay ng kapatid ko dahil magpapahatid kami sa sakayan ng dyip. Ang mahal naman kasi ng pamasahe papasok at palabas dito sa subdivision nila 30pesos ang bayad tapos tatlo kami kasi itong bunso ko ayaw pumayag na kandungin siya dahil big girl na daw siya o dibah, ang gastos ng pamasahe maarte itong bunso ko may pinagmanahan hehe Anyway balik tayo sa miracle fruit, ang dami palang health benefits ang plant nato kayo nalang bahala magsearch hahaha basta marami siyang benepisyo sa kalusugan natin. Pati yung dahon niya pwedeng ilaga at gawing tsaa. Isang maulan na araw ngayon na-cancel ang pasok ng mga estudyante ngayon dito sa amin dahil sa sama ng panahon, kagabi pa nag umpisa ang ulan. Pero kahit naulan naglaba parin ako dahil tambak na talaga ang labahin. Stay safe ang lahat. #MiracleFruitPlant
4 comments
madami din tanim yong tiyahin ko niyan sissy yong laman niya kinakayod tapos niluuto yon tska inumin ang laki nga niyan mas malaki pa nga sa buko
Oo nga sis ang lalaki ng bunga nila maganda magtanim ng puno nato daming benepisyo sa ating kalusugan.
Nakakatuwa naman pagmasda yan ang lalaki pa ng bunga
Oo nga ang lalaki ng bunga kaya kinuhaan ko ng litrato tuwang tuwa lang first kasing makakita nito :)