read.cash Log in
@ruby0622

Bunso First day of face to face Class Sobrang excited yung bunso ko kanina sa kanyang first day of face to face class nakapasok na rin sa paaralan pagkatapos ng dalawang taon na online class lang sila :) Every other Friday ang pasok nila nakaraang Biyernes set A ang pumasok kaya set b naman ngayong araw. Mabuti nagsend ng mga picture ang adviser ni bunso kanina sa klase nila. Nagbidyo rin habang sumasayaw ang mga bata. Ang sabi ng bunso ko masaya daw ang first day of school niya nagsulat at pinabasa daw sila kanina sa ingles at tagalog. Sabi ni teacher very good daw siya sa pagbabasa kasi magaling at mabilis n siyang magbasa lalo na sa ingles kaya proud mama naman si ako hehe. Mas gusto kasi nilang basahin ang ingles din parehas sila ng ate niya. Mabuti hindi malakas ang ulan paghatid at pagsundo ko Kay bunso medyo late pa siya sa klase kanina nag ehersisyo na mga kaklase niya pagdating namin :) alanganin kami sa oras kanina kahit 10am na ang pasok na late parin hehe. Ngayon medyo malakas na ulan dito mabuti nakauwi na kami bago umulan ng malakas. Stay safe Noise fam lalo na sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo doble ingat po.

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.