Snack Time! Maulan na hapon kaya masarap kumain at magkape. Nagluto ako ng bananacue meryenda namin. Gusto din uminom ng mainit mga anak ko hot choco daw kaya bumili akong swiss miss with marshmallow. Na-attract sa marshmallow tapos nung tinimpla ko na natunaw sa init ang mallows nagtatanong pa ang dalawa bakit ang liliit na daw ng marshmallow haha. Masarap kumain kapag malamig ang panahon kaya kain lang ng kain habang may pagkain :) Naglaba ako kaninang umaga naka-dalawang salang lang ako kaya mabilis natapos hindi ako naabutan ng ulan pero mga sinampay ko naabutan talaga haha ang importante nakapaglaba ako para hindi matambakan hoping bukas umaraw para matuyo mga nilabhan ko. Kahit kumakain busy sa tablet itong dalawang dalaginding ko pagbigyan sa gadyet weekend naman pero mamaya kaunti tigil na rin yan sa tv ko na papanoorin. Kumusta ang weather diyan sa inyo Noise fam? Stay safe kayong lahat.
2 comments
Ayon magpapahinga lang bf onti liliwanag maya maya didilim bubuhos nanaman kaya masawap matulog maghapon.Enjoy your yummylicious breakfast mate morning
Mainit maghapon dto sa amin friend. Tamang tama kape mo sa mlmig n pnhon dian sa inio