read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Dahil Sabado ngayon laba dami day, isang linggong labahan kaya tambak talaga meron pa loob hindi pa lahat yan :) Ang ganda ng panahon matindi ang init ni haring araw makatuyo sana ngayon kaso magsisimula pa lang tinanghali ng gising :) Itong dalawang makulit ko nanggugulo pa, dito sa labas naligo maglalaro daw muna sila saglit kaya kinuha Barbie nila. Hinayaan ko nalang muna mag enjoy sila. Tuwang-tuwa pa sa paglalaro at pagbabad sa tubig minsan lang naman kaya pagbigyan. Mamaya na ako magbanlaw tinanghali na ako sa paglalaba kaya lubusin na hehe mainit din magbanlaw kasi tapat ang araw sa bahay kaya maganda maglaba ng maaga kaso tamad gumising ng maaga :) Tiyak hapon na ako nito matapos sa paglaba pawala na rin yung araw nasa kabilang side na kaya hindi na rin makatuyo isampay ko nalang ng maaga bukas para matuyo siya. Ang dami sigurong nag outing ngayon nasa beach karamihan ang ganda nga naman pumuntang beach ngayon maganda ang panahon sarap magtampisaw sa dagat :) Blessed Saturday Noise fam. Stay safe and enjoy!

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.