7 years ago ganito lang sila, ngayon ang kulit na pero nakakatuwa dahil nauutusan mo na. Maalala ko noong ganito pa sila kaliit sobrang hirap dahil mag-isa lang ako sa bahay kapag nasa work asawa ko dahil laging night shift schedule niya. Natataranta na ako kapag umiyak ng matagal tapos yung ate din gusto magpakarga maiiyak ka nalang talaga, puyat at pagod narin ang katawan. Kaya hanga sa ako mama ko na nataguyod kaming walong magkakapatid ng maayos kahit sobrang hirap ng pinagdaanan niya dahil sa hirap ng buhay din namin noon. Kaya pahalagahan at mahalin po natin ating mga ina sa sakripisyo at pagmamahal na binigay para sa atin.
No comments yet