Namimiss ko ang bonding nato kasama ang kapatid at tita ko. Ang bilis ng panahon 9 years ago na pala ang picture nato parang kailan lang. Ito yung panahon na kainan ang bonding namin kaya sobrang nakakamiss. Nasa Cuba ako nito kasama kapatid ko dyan nakapagwork kami doon dahil sa tita naming nagrequest sa amin yung nasa gitna. Naging blessing siya sa pamilya namin naiahon sa hirap at nakapagtapos pag-aaral mga kapatid ko. Maalala ko pa papupuntahin kami tapos pagdating namin sa bahay ni tita daming pagkain nakahain, tapos kantahan at may pa red wine lagi si tita para daw malakas loob kumanta hindi na mahihiya. Ngayong nagkaroon na ng sariling pamilya, hindi na nakabalik sa lugar nato focus na sa mga anak. Nanghinayang ako sa work ko sa lugar nato pero mas masaya parin kapag kasama mo mga anak mo masubaybayan sila sa paglaki.
No comments yet