read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Nilagang Saging Late na aming meryenda alam na'to maging hapunan ko na naman ang meryenda namin. Dati natatakam lang ako sa mga post dito kapag nakita ko ang meryenda na'to. Halos lahat yata ng bisaya paboritong meryenda 'to tapos may ginamos pa maanghang grabe ang sarap niya hehe. May nagbigay kasi sa akin ng ginamos(bagoong na isda) ang sarap niya presko pa siya hindi yung durog na :) inalok ko sa asawa ko ang ginamos hindi daw kaya ng sikmura niya talaga hahaha. Hindi raw kasi siya bisaya kaya hindi siya mahilig sa ginamos :D Gustong-gusto rin ng mga anak ko ang nilagang saging ayaw din nila ng ginamos hindi daw kasi sila bisaya kaya ayaw din nila, parang pinagtulungan ako ng mag-ama ko wala akong kakamping bisaya dito sa bahay hahaha. Ang sarap kaya isawsaw sa ginamos ang nilagang saging relate siguro mga bisaya diyan hehe. Medyo lata pa pagkaluto ko, pero masarap parin naman gumagawa kasi kaming activities ng mga bata kaya hindi ko namalayan niluluto ko :) Ang bilis ng araw katapusan na pala ngayon ng buwan, Marso na bukas. Kumusta ang araw nyong lahat? #NilagangSagingMayGinamos #CravingSatisfied #owncontent @ruby0622

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.