read.cash Log in
@ruby0622

Parents Emergency Meeting Kagabi nagmessage na ang adviser ng panganay ko na may emergency meeting kaming mga parents. Nagpapaalala ang titser na kailangan kaming mga magulang na dumalo at hindi kami mag alala dahil wala naman daw sisingilin sa amin haha natawa talaga ako sa reminder ni titser baka daw kasi hindi kami dadalo sa meeting dahil iniisip kaagad may babayaran :) Hindi sinabi ni titser na face to face pala ang meeting akala ko virtual lang kasi wala siyang sinabi na room kung saan gaganapin. Kaya late kaming mga parents, nagmessage ang titser sa GC nasaan na daw kaming mga magulang :) hindi kasi kumpleto impormasyon ni titser hehe. Ang naabutan ko sa meeting pagdating ko ay number 3 na topic about sa diagnostic test ng mga bata bawat subjects. Maayos at mabait ang adviser ng panganay ko napaliwanag naman ng maayos ang bawat concern ng mga magulang. Hindi naman talaga biro ang maging titser kaya kailangan talaga natin silang tulungan upang matuto ang ating mga anak at hindi iasa sa kanila ang lahat ng responsibilidad para matuto ang mga bata. Kaya salamat sa lahat ng gurong nagsisipag at nagtitiyaga para may matutunan ang ating mga anak :)

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.