Sa probinsya ng Surigao City ang lugar kung saan ako lumaki dahil ang bahay namin ay napaligiran ng palayan kaya daanan namin papuntang kalsada/highway ay sa pilapil. Maalala ko noon kapag ganitong ber months na umpisa na tag ulan yung daanan naming pilapil ay maputik talaga kapag umuulan. Kaya kung papasok kami sa paaralan bitbit namin tsinelas o sapatos namin at magdala kami ng tubig panghugas at pamunas ng paa pagdating sa kalsada. Sanay kaming magkakapatid magtanim ng palay at at mangisda yun kasi kabuhayan namin noon dahil tabi ng ilog bahay namin. Yung bahay namin dati kubo lang talaga nipa lahat bubong at dingding niya. Kaya nung kami'y nakapagtrabahong magkakapatid ay napagawa ang bahay at napasemento na daanan namin na pilapil. Hindi na mahirap maglalabas kahit umuulan hindi na kailangan magdala ng tubig at pamunas dahil puno ng putik ang paa mo.Salamat sa Panginoon na Siyang pinagmulan ng pagpapala. Sinong nakarelate dito :)
No comments yet