Fried Noodles with Siomao at Siopao Ginabi na kami nakauwi ni hubby galing sa mall dahil bumili siya ng polo shirt wala ng masusuot pangwork, nagsikipan na kasi mga shirt niya noon dalawang taon din kasing work from home kaya lumulusog :) Iniwan na namin ang dalawang batang makulit dito sa bahay para mabilis ibinilin ko nalang sa kapitbahay na silip-silipin sila :) Pag-uwi namin binilhan nalang namin ng siopao pasalubong. Gusto ng asawa ko mcdo nalang daw burger at fries sabi ko lagi nalang yun kaya siopao nalang para maiba naman nakatikim na sila nito dati at nagustuhan naman nila. Bumili na rin ako ng fried noodles na may siomao ito na hapunan ko masarap din siya unang beses nakatikim satisfied naman sa lasa :) canton siya tapos may toge ikaw na bahalang magtimpla anong sauce ilagay mo. Nilagyan ko lang ng teriyaki, oyster, chili at peanut sauce. Mapagpalang gabi Noise fam. Ingat po kayo.
3 comments
ang dami talaga tumaba dahil sa pandemic sis hehe anyways nagcrave ako sa siomai makabili nga kung makakita ako may magtinda dito:)
Kaya nga sis halos lahat yata lumulusog sa pandemic bahay lang kasi nakatambay:)
Ang yummy ng hitsura niyan, ka-noise! Nakakagutom hehe