read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Movie Night Dahil weekend ngayon movie night ng pamilya. Focus na focus mag-ama sa pinapanood habang ako pasilip silip lang :) Ang pamagat ng pinanood namin ay "Uncharted" gusto ng mga girls ko yung bida ito kasi ang bida sa Spider Man. Adventure ang movie nato hinahanap nila yung treasure ni Magellan kalagitnaan na yung pinapanood namin tutok na tutok sila sa panonood :) May kaunting snacks na pinapapak nagpabili din akong isaw sa asawa ko parang ang sarap kasi kumain nito :) Tuwang-tuwa mga anak ko kapag movie night makakain kasi silang tsitsirya hehe. Tuwing manonood lang makakain hindi ko sinanay kumain ng junk food, kaya may biscuits na stock dito sa bahay para hindi na bibili sa tindahan at baka ano pang bibilhin :) Pagkatapos nito matulog na at may Sunday service pa bukas, araw para kay Lord upang Siya'y pasalamatan at purihin. Blessed night Noise fam. God Bless us all!

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.