Buko Juice and Bread Isang napakainit na weather uli kaya masarap uminom ng malamig na inumin. Kaninang umaga, pinabili kong gulay si mister dahil day off niya, naisipan niyang bumili ng buko para gawing buko juice. Bumili siyang dalawang huko tig 24pesos daw ang isa, kaysa bibili ng sofdrinks buko nalang daw ka very good ni dodong hehe. Dahil umpisa na ng ber month magseryso na daw talaga siya sa pagdadiet hoping so tuparin niya hindi lang para sa reward na matatanggap kapag pumayat siya, kundi para na din sa good health niya. Ang sabi nga, health is wealth kaya dapat ingatan at alagaan ang ating kalusugan. Bumili lang din ng tinapay para sa mga kiddos may chicken spread na palaman. Hindi mahilig sa laman ng buko ang dalawang anak ko sabaw lang gusto nila. Nilagyan ko kasing kondensada na maliit kaya ang sarap tapos malamig pa :) Tamang-tama ngayon mainit ang panahon. Kung nasa probinsya lang sana namin magsawa ka sa buko akyat ka lang sa puno :) Maalala ko noong kabataan pa kapag gusto kong kumain ng buko aakyat lang sa puno pero sa hindi masyadong mataas :) Pero ngayon hindi na kaya nanginginig na ang tuhod haha. Kumusta kayo Noise fam?katatapos ng gumawa ng activities mga anak ko kaya meryenda muna. Online class lang sila today, bukas si bunso ang may face to face class. Kaya maghatid sundo uli bukas sa paaralan. Mapagpalang araw Noise fam! Stay safe ang lahat.
2 comments
hala iba din mga mga kiddos mo sissy ayaw sa laman nang buko madalas kasi laman gusto nang mga bata peru ang sarap din naman talaga nang sabaw sissy noh lalo na may evap tas napakalamig so refreshing hehe
Totoo sissy ang sarap ng may gatas tapos malamig perfect sa mainit na panahon. Oo nga sis, may kaartehan din itong mga anak ko sabaw lang daw sila mas masarap.