Lunch Time with Movie ^_^ Katatapos ko lang maglaba dami, isasampay ko nalang. Maaga akong nagising para maglaba at maagang maisampay makatuyo kaagad pero hindi nakiayon ang tubig. Bigla naman humina ang tubig kaya naabutan parin ng hapon ang paglalaba maganda pa naman ang panahon makatuyo na sana. Pag uwi kong naghatid kaninang alas diyes sa mga estudyante ko bumalik na ang lakas ng tubig kaya nagbanlaw kaagad. Niluto ko muna ang ulam namin pananghalian para habang nagbabanlaw ako nakasalang na siya. Nag-aaral kasi si dodong (mister) may tinapos aralin regarding sa trabaho niya, day off niya ngayong araw. Kahapon ko pa binabad sa kalamansi at toyo na may paminta itong ulam namin para mas masarap. Nagprito lang ako nitong binabad na chicken steak para baon sa mga bata mamayang alas dos uwian nila sa school kaya kailangan may baon silang kanin dahil doon na sila mananghalian. Habang kumakain kami ni mister nanood kaming movie parang Train to Busan daw ito sabi nila. Ang pamagat nito Emergency Declaration. Tamang-tama matapos ang movie sunduin ko mga estudyante ko :) #ChickenSteak #MovieDay
No comments yet