read.cash Log in
@ruby0622

Done Activities/Assignments Ang daily routine ng mga estudyante pag uwi galing sa school magsasagot naman ng mga homework o activities nila. Mabuti nalang at masisipag din silang sumagot kaagad sa mga pinapagawa ng mga guro na gagawin. Pagdating dito sa bahay, kunin kaagad ang notebook kung saan nakasulat ang asignment at magbukas kaagad sa kanilang online account kung saan magsasagot sa ibang activities. Natuwa naman ako dito sa panganay ko, sabi niya kanina pagdating dito sa bahay galing school very good daw siya sabi ni titser. Nasagutan daw niya kasi ang mga pinapasagutan ni titser na multiplication. Kaya sabi ng math titser niya sa mga kaklase, na sa panganay ko daw magpaturo kung hindi alam ang multiplication kasi marunong na daw siya hehe. Kaya sabi ko sa panganayko, mabuti nalang at naturo ko na sa kanya kaya madali nalang sa kanya sagutan, ang tinuturo ko sa kanya na multiplication bago magpasukan apat na numero sa taas (multiplicand)at tatlong numero sa baba(multiplier) kaya dapat memorize ang multiplication table yun ang importante at mabuti mabilis lang niyang nakabisado :) Kaya madali lang niyang nasagutan ang pinasagutan ni titser kanina kasi isang numero o dalawang lang ang multiplier :) Nakakatuwang tingnan at masarap sa pakiramdam nagsisipag mga anak natin sa kanilang pag-aaral. Mapagpalang Miyerkules Noise fam!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.