read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Happy weekend Noisefam! HAPPY Ang bilis ng araw Saturday na pala sa Monday back to online class na mga kids. Maganda na panahon ngayon dito sa tagaytay hindi kagaya nakaraang mga araw maulan bukas ng hapon uwi na kaming Dasma isang linggong bakasyon din mga kids dito Kay Lola at Lolo nila. Pakilala ko pala sa inyo ang cute na puppy alaga ng Lola at Lolo si Happy. Nakakaawa ang puppy na'to nasagasan kasi kahapon ang mama niya. Kaya binilhan nalang siya ng bote para dun siya magdede ayaw niya, pero kaninang madaling araw daw nag iiyak nagutom siguro kaya ayun naubos isang bote. Binilhan siya ng cage baka kasi lumabas magaya siya sa mama pero ayaw naman niya nag iiyak gusto niyang lumabas kaya nilabas nalang. Tabi kasi ng highway dito furniture shop ng mga in-laws ko kaya nakakatakot baka pumunta sa kalsada. Isang buwan na pala si Happy kaya nagdede pa siya sa mama niya. Sabi nga ng mga anak ko hindi na daw siya Happy, Sad na daw kasi nawala na mama niya. Nalulungkot rin kami sa kanya ang liit pa kasi nawalan bigla ng ina. #HappyPuppy

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.