Tofu Sisig/Fried Tofu Katatapos lang namin mananghalian medyo late na kumain matagal kasing nagising kanina kaya late na ang breakfast, walang pasok mga kiddos pahinga sa paghatid at sundo pero may gagawin silang mga activities. Para makatipid itong tokwa naisipan kong lutuin nilagyan kong oyster sauce at pagkaluto nilagyan ng mayonnaise may natira pa sa ref kaya hindi na bumili :) Lagyan ko pa sana ng itlog kaso wala na pala akong stock. Gusto maanghang anghang kaya nilagyan na rin ng sili. Nagtabi rin ako ng pinrito kong tokwa masarap din kasi itong isawsaw sa toyo at kalamansi :) Nagustuhan ni mister ang niluto ko pero sabi niya sa sunod lagyan daw ng chicharon na pino mas masarap daw yata kapag ganun :) Kaya sa sunod ganun gagawin kong luto nitong tofu sisig. Mga anak ko ayaw nila nito kasi medyo maanghang din kaya yung natira na chicken steak kahapon ang ulam nila. Mapagpalang araw ng Biyernes Noise fam ang bilis ng araw weekend na naman :)
1 comment
msarap nga yan sissy ay naku mapaparami kain mo kapagka maanghang ei noh hehhe