Dried Fish/Squid Ang sarap ng pasalubong ng mga kamag-anak ng biyenan kong babae tuyong pusit at isda. Galing sa Iligan ang mga relatives ng mother in-law ko na bumisita dito sa Tagaytay. Kaya nagyaya magnight swimming kagabi minsan lang sila nagkakasama-sama at umuwi na rin kaninang umaga sa Iligan. Matagal na naman daw uli magkita-kita at magkakasama. Sayang lang overnight na binayaran nila sa resort kagabi hindi rin naman doon natulog. Kaya dismayado dalawang dalaginding ko kasi gusto nila doon matulog pero nagsiuwian na ang lahat kaya uwi na rin daw kami sabi ng biyenan kong babae hanggang pag-uwi namin kagabi wala sa mood ang dalawang anak ko hehe. Ito pala ulam namin kaninang agahan nagprito ako ang sarap ng tuyong pusit ganun rin itong isda. At unang beses kong makatikim ng ganitong klase ng tuyo parang tocino siya kaya ganyan kulay pula. Ang akala ko talaga maanghang siya kaya pula ang kulay yun pala manatamis siya tocino style :)
4 comments
Ang sarap naman ng ulam nyo tapos sawsawan pa ay kamatis
hala sa iligan sissy hehe laguindingan kasi kami sis bale dadaanan lang nila lugar namin yes tama ka sis sobrang sarap niyang pusit na tuyo years na ata hindi ako nakatikim niyan bihira kasi yan e display ei
Ahh ganun ba sis madadaan pala ang inyo puntang Iligan hindi pa kasi ako nakapunta diyan sa lugar nyo. Taga-Surigao ako sis kaya doon lang ako kabisado hehe maliit lang din city namin :) ako rin sis ngayon lang nakatikim uli ang mahal rin kasi nitong pusit.
ou sissy hehe malapit lang kami sa airport at si hubee naman nasa airport work niya.. surigaw sis visayas ba yan sis noh haha ako nga ei di kabisado mga lugar hindi kasi ako palagala nagagalit nga si hubee kahit ngayon ayaw ko daw magpasyal sa kapitbahay hahah ei ayoko ei pag uwi kasi dami pa ggaawin kaya stay sa loob nang bahay haha ay tama ka sissy sobrang mahal nang kilo niyan dito lagpas ata limang daan kaloka