read.cash Log in
@ruby0622

Fun Time Dahil nangako ang Lola na ipapasyal sila bago kami umuwi dito sa bahay. Ito ang ganap kahapon ng hapon naabutan ng gabi ang dalawang makulit nagsawa kakalaro :) Kaya sobrang saya nila, enjoy na enjoy mga makukulit pero hindi talaga maiwasan may kasamang away kapag natalo sa laro hehe. Pero mamaya lang bati na kaagad mga bata talaga :) Grabe ang tuwa nila nung naglaro sila sa piano pagkatapos ng laro ang daming tickets na lumabas. Niloloko ko nga bakit ang daming tickets lumabas nandadaya yata kayo kasi hindi naman maayos pagkalaro hahaha. Nawala na yung air hockey na gusto nila laruin dito. Nung last time naming punta dito bago magpasukan dun sila tumagal sa paglalaro sa air hockey ang saya nga naman kasi laruin :) Masaya rin ang short vacation ng mga dalaginding ko sa kanilang Lolo at Lola. #AyalaMallSiren #Tagaytay

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.