read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Christmas 2021 Isang masayang selebrasyon ang pasko hindi lamang sa mga regalo na ating natanggap but we celebrate the birth of Jesus. He is reason for this season. Makikita sa ngiti ng bunso ang saya tablet kasi natanggap niya na regalo at si ate niya of course para walang away daw hehe galing yan sa tita nila. Natupad na gusto niyang magkaroon ng tablet para sa online class nila. Pero hindi pa nila nagamit kanina kasi parang may iset up pa yata maarte din si Amazon hehe ayaw mag log in sa browser nila yung LMS. Gumising talaga sila ng 12am Christmas para sa regalo kasi sabi ng tita nila hindi ibibigay ang gift kapag hindi gumising :) Kaya ayan sila pinaligiran na nila mga regalo haha nakaabang talaga. Si mama naman tuwang tuwa sa natanggap niya madaming kulay blue na pera sabi nga ng bunso ko rich na daw si Nanay kasi madaming pera hahaha May kaunting kainan lang din kami pagkatapos buksan mga regalo. Kahit ang dilim ng paligid dahil walang kuryente ang saya parin ng pasko kasama ang buong pamilya. Happy and Blessed night noisefam! #SurigaoBakasyon #Christmas2021 #BlessedChristmas #GloryToGod

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.