Throwback Tuesday! FB memories ^_^ Sila daw dalawa ang model sa paninda ng Lolo at Lola :) Dalawang taon na nakalipas itong mga picture na'to nasa Tagaytay kami nito, ako kasi pinabantay ng mga biyenan ko sa isang furniture shop nila sa Tagaytay Silang. Ngayon, yung hipag ko na ang nagmamay-ari ng shop kaya umuwi na rin dito sa Dasma :) Tuwang-tuwa naman ang dalawang anak ko kapag nasa Tagaytay sila spoiled kasi sa Lola kahit ano gusto bibilhin. Hindi kagaya sa akin practical kapag hindi nman kailangan o nagagamit hindi ko talaga bibilhin :D Sa Lola nila bili kaagad palibhasa sila pa lang dalawa unang mga apo kaya ganun :) Wala akong masabi sa biyenan kong babae sobrang generous niya pagdating sa mga anak ko :) Bago kunin ng customer sakay daw muna sila sa swing :) yan ang paborito nila sa mga nakadisplay. Ang ganda rin ng sala set kaya naisipan ko kuhaan ang ate ng litrato wagas naman makangiti makakahawa lang haha. Feel na feel pagiging model niya :D Gawa ang mga products sa synthetic rattan indoor outdoor siya. Medyo pricey kasi matibay naman talaga :)
1 comment
Ang cute ng mga anak mo ka-noise! Magandang gabi sa iyo!