read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Isang mapagpalang araw mga kanoise, kumusta kayong lahat. Hanggang ngayon dami pa kaming hahabulin na activites ng mga kids, dahil sobrang hirap ng signal sa province namin lalong nawalan ng signal dahil kay Odette at hanggang ngayon wala parin kuryente. Sa buong bakasyon namin hindi rin makagala gala dahil halos lahat ng pasyalan ay nasira ng bagyo. First time kung naranasan ang ganun kalakas na bagyo may pressure sa tainga sa sobrang lakas ng hangin parang nakasakay ako ng airplane. Halos lahat ng puno sa bahay namin natumba mabuti nalang at hindi sa bahay namin mismo natumba. Nagliparan ang mga bubong ng bahay sa sobrang lakas ng hangin. Bumabaha na sa labas ng bahay malapit kasi sa ilog ang bahay namin kaya natatakot din kami baka hindi titigil ang ulan mabuti nalang at araw nangyari ang malakas na bagyo nailigtas pa namin mga alagang hayop. At thank you Lord din hindi talaga pumasok sa bahay namin ang baha, sabi pa ng bunso ko parang Zoo na daw balcony namin ibat ibang hayop nandun. Praise God safe and buong pamilya.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.