read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Isang mapagpalang Martes Noise fam! Mangga kayo diyan :) may naglalako ng mangga isang balot 20pesos nalang mura na ngayon kaya bumili ako ng dalawang balot nilagay ko sa ref yung iba. Mas gusto ko kainin itong Indian mango kaysa ibang mangga na sobrang asim. Ito kasi hindi ganun kaasim at abot kaya ang halaga kumpara sa ibang mangga :) Ang sarap lalo na bagong pitas malalaman mo kasi crunchy siya at masarap din kapag hindi masyadong hinog. Dati marami akong nakikitang nagpost ng ganito matatakam ka talaga sabi ko kapag bente pesos na ang kilo bibili na ako haha at ngayon nga nakabili na sobra isang kilo pa ang isang balot kaya mura na siya :) Mas lalong masarap ang mangga kasi may bagoong pati itong dalawang anak ko gusto nila ayaw lang nila isawsaw sa bagoong kaya ako lang nag-enjoy ng may bagoong :)

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.