Buwan ng Wika (Throwback) Ang bunso ko na makulit, na napakabibo :) tatlong taon na ang nakalipas sa mga larawan na'to. Sobrang kulit lang ng bunso ko dito kinder pa siya nito. Sa kanilang grupo siya yung bibo panay ang ngiti samantalang mga kasamahan niya ang seseryoso nila sa pagsasayaw haha. Natatawa nalang talaga kami kapag napanood namin uli yung video ng sayaw niya. May sarili pa siyang dance move tapos tawang-tawa sa pinaggagawa niya haha. Ang kulit lang talaga pagkatapos titingin sa mga kasamahan niya babalik uli steps ng sayaw nila kaya habang ako nagbibidyo tawa ako ng tawa sa kakwelahan niya :D Nakakatuwa lang kasi hindi talaga siya nahihiya at ang active pa niyang sumayaw kaya daming natuwa sa kanya tapos siya pa pinakamaliit sa grupo pero grabe ang energy niya haha. #YearsAgo #MyYoungestPrincess
2 comments
napa cute ni bunso sissy hehe nakakamiss tuloy yong ganito iwan ko lang kung meron ba ulit ngayon mga activity sa school kasi face to face na ei
Oo nga sissy nakakatuwa siya diyan...dito sa paaralan ng mga anak ko walang activity na ganito sana nga meron para mag enjoy mga bata hindi puro aral :)